Pormal na inanunsyo nitong May 3, 2023 ang muling pamamahagi ng libreng dekalidad na binhi sa Catbalogan City, Samar at Naval, Biliran.
 
Ilan sa mga sikat na barayti na sinimulan nang ipamahagi ngayong Wet Season ay ang ✓NSIC Rc 222, ✓NSIC Rc 216, ✓NSIC Rc 402, ✓NSIC 358, at ✓NSIC Rc 506.🌾🌾🌾
 
Naturuan din sila ng tamang pamamahala ng sustanya at naibahagi rin ang iba’t ibang programang handog ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Seed Program.
 
Namahagi rin ng mga babasahin upang mas mapalawak pa ang kaalaman ng ating mga ka-Palay sa makabagong pagpapalay.
 
Para sa schedule ng libreng pamamahagi ng binhi mula sa RCEF, makipag-ugnayan lamang sa inyong agriculture office.
 
Para naman sa mga katangungan sa pagpapalay, magtext o tumawag sa Philippine Rice Research Institute (PhilRice) Text Center 0917-111-7423 (FB, DA-PhilRice Bicol)