“Kahit pa man 25 na taon na akong nagsasaka, marami pa rin akong natutunan sa pa-training ng RCEF.”
Iyan ang sambit ni ka-Palay Lorenzo Tolentino, 60 anyos, mula sa probinsiya ng Iloilo. Isa siya sa 28 na mga magsasaka at agricultural extension workers na nagtapos sa pagsasanay ng RCEF na Short Course on Pest and Nurient Management. Dagdag pa niya, natutunan niya kung paano ang mas mainam na paglagay ng abono at pamahala ng peste, na iba sa kanyang nakasanayan na.
Kasama din ang out-of-school youth na si Nelbert Emmanuel, 22 anyos, ang pinakabata sa grupong ito. Limang buwan pa lang na nagsasaka si Nelbert kaya gusto niya matuto ng rekomendadong paraan ng pagsasaka. Para kay Nelbert, ang pagsasanay ay hindi lamang makakatulong sa kanya, kundi pati na rin sa kanilang komunidad na mga magsasaka.
Ang pagsasanay na ito ay ginanap sa Villar Sipag Foundation, San Miguel, Iloilo ngayong buwa ng Hulyo. (FB, DA-PhilRice Negros)