Ikinatuwa ng mga magsasakang nakasaksi sa demonstrasyon ng seed spreader sa ginanap na ceremonial establishment sa Bayombong, Nueva Viscaya, kahapon, December 1, 2022.
“Sobrang mahal na ang bayad ng pagpupunla at paglilipat-tanim ngayon kaya malaking tulong ang spreader para mabawasan ang gastos naming mga magsasaka,” wika ni Roberto Obcena, 67, farmer-cooperator sa naturang bayan.
Tampok ang seed spreader bilang paraan ng pagtatanim sa Rice Competitiveness Enhancement Fund – Rice Extension Services Program (RCEF-RESP) techno-demo sites upang maibaba ang gastos at masolusyonan ang kakulangan ng mga manananim sa mga kanayunan.
(DA-PhilRice Isabela, FB)