Mga barayti na paagang aanihin o early-maturing para iwas epekto ng El Niño!
 
Sila ay ipinamimigay din ng #RCEFSeedProgram sa iba’t ibang lugar sa bansa.
✅NSIC Rc 222 – akma sa buong bansa
✅NSIC Rc 436 – akma tuwing panag-ulan na taniman sa Cordillera, Cagayan Valley, Central Luzon, Western at Central Visayas, Davao, at Caraga; pati na rin sa CALABARZON, Bicol, at SOCCSKSARGEN kung panag-araw
✅NSIC Rc 438 – akma tuwing panag-ulan na taniman sa SOCCSKSARGEN at BARMM; pati na rin sa Bicol, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, at Davao kung panag-araw
✅NSIC Rc 440 – akma tuwing panag-ulan na taniman sa Bicol, SOCCSKSARGEN, Caraga, at BARMM; pati na rin sa Bicol, Zamboanga Peninsula at Davao kung panag-araw
✅NSIC Rc 480 – akma tuwing panag-ulan na taniman sa Cordillera, Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, Bicol, Western/Central/Eastern Visayas, Davao, at Caraga; pati na rin sa Northern Mindanao at SOCCSKSARGEN tuwing panag-araw.
 
Maaaring anihin ang mga barayting ito sa loob ng 115 araw pababa pagkatanim.
 
Ayon sa mga eksperto sa PhilRice, kung maaga tayong makapagtatanim at makagagamit tayo ng mga ganitong klase ng barayti, maiiwasan nating mapag-abutan ng mas matinding El Niño. Mas konti din kasi ang tubig na kakailanganin. (FB, RCEF Seed Program)