Sa PalaySikatan 2.0, abot ka ka-Palay!

Ikinatuwa ng mga magsasaka ng Brgy. Patong, San Miguel, Leyte ang ginanap na PalaySikatan 2.0 sa kanilang lugar.

Isa na rito si Mario Labarrete, chairman ng Ingrated Borseth Farmers Association.

“Nagpapasalamat kami dahil kahit nasa sulok ang aming lugar ay naabot parin kami ng
ganitong programa. Hindi pa namin lubos na kilala o alam ang walk behind mechanical
transplanter kaya gusto namin itong subukan. Sana ay maging bihasa kami sa paggamit nito, para sa susunod na taniman, ito na ang gagamitin namin sa aming palayan”, aniya.
Ang PalaySikatan 2.0 ay naglalayong mapataas ang ani at mapababa ang gastos ng mga magsasaka gamit ang mga bagong makinarya.

Layunin din nitong ipakilala ang rekomendadong certified inbred seeds sa mga magsasaka.

FB, DA-PhilRice Bicol, August 5, 2024