Walk-behind mechanical transplanter, first time masubukan ni farmer!

 

Sa kauna-unahang pagkakataon, nasubukan ng mga magsasaka ang paggamit ng makabagong teknolohiya sa ginanap na PalaySikatan 2.0 ceremonial crop establishment.

Kwento ni ka-Palay Sotera Cabanela, malaki ang tulong ng walk-behind mechanical transplanter dahil mas mapapadali ang kanilang pagsasaka.

“Napakaganda at malaking tulong sa mga magsasaka ang mechanical transplanter. Bukod sa mapapababa ang gastos madali rin siyang gamitin. Sinubukan ko itong i-operate para maturuan ko rin ang iba kong kapwa magsasaka,” aniya.

 

Ang walk-behind mechanical rice transplanter ay makinaryang gamit sa paglilipat-tanim ng punla ng palay. Nangangailangan ito ng mas kaunting tao at oras kaysa sa mano manong paglilipat- tanim. Ito ay dinesenyo kung saan naglalakad ang operator sa likurang bahagi ng makinarya.

FB, DA-PhilRice Bicol, July 17, 2024

PalaySikatan 2.0 nagsimula na rin sa Albay at Southern Leyte!

 

Ipinamalas ang paggamit ng walk behind mechanical transplanter sa Albay at Southern Leyte.

Kwento ni ka-Palay Marino Pabuaya. “First time ko matunghayan ang paggamit ng mechanical transplanter sa palayan. Maganda ang linya ng pananim, pati na rin ang kapit ng palay sa lupa kaya susubukan ko ito ngayon sa isang ektarya kong palayan.”

Ang RCEF PalaySikatan 2.0 ay mas pinalawak na technology demonstartion kung saan susubukan ang mga makabagong teknolohiya at rekomendadong barayti sa 50 ektaryang palayan.
Kung ikaw ay malapit sa lugar kung saan ay may Palay Sikatan site 2.0 bisitahin mo na ka-Palay! ng masaksihan ang maka bagong teknolohiya sa palayan. 😉

FB, DA-PhilRice Bicol, July 11, 2024