Iwas ‘bahala na nga’ ang mga taga Balanga!

Hula no more na ang ating mga ka-Palay sa Balanga sa paggamit ng eksaktong binhi gamit ang precision seeder at seed spreader.

Bukod kasi sa nakatipid na sa oras at gastos sa labor, nakabawas din sila sa gagamiting binhi.

“Gumagamit ako dati ng 60-80kg ng binhi. Ngayon, 40kg sa isang ektarya na lamang gamit ang seed spreader,” ani Jesusa Capili, farmer-cooperator.

Si ka-Palay Estrella de Jesus naman na nakasubok na ng precision seeder sa tulong PHilMech ay nadagdagan ang kanyang ani.

“Dati umaani lang ako ng 75-80 sako kada ektarya, nung masubukan ko ang precision seeder, umakyat sa 100-109 sako na ang inaani ko,” kanyang pagbabahagi.

Kaya naman kanilang payo, huwag mag-alinlangang sumubok ng mga bagong makinarya.
Ginanap ang PalaySikatan 2.0 ceremonial crop establishment sa Brgy. Cupang West sa Balanga, Bataan.

FB, RCEF Seed Program, July 16, 2024