May kasiguruhan sa PalaySikatan 2.0!

Thumbs up👍sa pangmalawakang PalaySikatan ang mga ka-Palay natin mula sa Esteves, Casiguran, Aurora!

Sa paggamit nila ng walk-behind mechanical transplanter, sigurado na ang mga magsasaka sa masaganang ani, mataas na kita, at mababang gastos!

Ang first-time user ng mechanical transplanter na si Susan T. Mendoza, na dating nagsasabog tanim, game na game ng ituloy ang paggamit ng makinaryang ito.

Magaan at mabilis gamitin ang walk behind mechanical transplanter, nakamemenos pa ako ng higit P3000 sa gastos,” pagbabahagi nya.

Sa PalaySikatan 2.0 hindi lang paggamit ng makabagong makinarya ang masasaksihan.
Makikita rin sa 50-ektaryang techno demo site ang:
-Iba’t-ibang barayti ng palay
-Resulta ng fertilizer recommendations ng Minus-one Element Technique (MOET)
-Paggamit ng digital apps sa pagsasaka.

Ayos, di ba! 😉

FB, RCEF Seed Program, July 8, 2024,📷Minard F. Pagaduan