RCEF PalaySikatan 2.0 sinimulan na rin sa Central Luzon!

Sa kauna-unahang PalaySikatan 2.0 sa gitnang Luzon, natunghayan ng higit 100 na ka-Palay mula sa Zambales ang pagtanim ng rekomendadong NSIC Rc 534 sa pamamagitan ng riding-type mechanical transplanter at walk-behind transplanter.

“Nasubukan ko na ang walk-behind transplanter, maganda ito at mabilis gamitin. Dati sa manwal na pagtatanim, inaabot kami ng P20,000, ngayon, P10,000-12,000 nalang ang gastos dahil kaunti lang ang kailangang mag-operate,” bahagi ni ka-Palay Ruth Sacriz.

Ang RCEF PalaySikatan 2.0 ay mas pinalawak na technology demonstration kung saan susubukan ang mga makabagong teknolohiya at rekomendadong barayti sa 50 ektaryang palayan.

Katuwang ng RCEF ang RiceBIS 2.0 sa implementasyon ng programa.

FB, RCEF Seed Program, July 4, 2024