‘Yan ang paniniwala ni ka-PALAY Ryan Balauro, kalahok ng Rice Specialists’ Training Course (RSTC) na nagsagawa ng agro-ecosystem analysis o AESA.
Bilang isang trainer sa Farmer Field School, mas lalong lumalim ang kanyang pagkaunawa sa relasyon ng kapaligiran sa palay.
Sa tulong ng kaalaman, kanyang inaasahang mapapababa ang gastos at mapapataas ang ani sa palayan na syang makakapagpataas din sa antas ng pamumuhay ng mga magsasaka.
Gusto mo rin bang mas matututo pa sa pagpapalayan?
Para sa mga impormasyon sa libreng training na may certification, makipag-ugnayan sa inyong city/municipal agriculture office. Maaari ring mag-text sa TESDA 0917-4794370 o DA-ATI 0920-9462474.
Ang pagsasanay ay programa sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund-Rice Extension Services Program (RCEF-RESP) na bahagi ng Republic Act 11203 o Rice Tariffication Law (RTL) na naglalayong mapalakas ang mga Pilipinong magsasaka.
Ang RTL ay naglalaan ng P10 bilyong pondo bawat taon para sa mga pinapamahaging libreng dekalidad na inbred seeds, makinaryang pambukid, at pagsasanay sa pagpapalayan. Pinopondahan din nito ang mga pautang na pangsakahan. (Jessa Lacbayan, RCEF Extension Program, FB)