
Ibinahagi ni ka-Palay Atty. Mamerto S. Villanueva, chair ng Guran Sapa Multipurpose Cooperative, na mula ng makatanggap siya ng binhing certified mula sa programa, umaani na siya ng 100-105 sako kada ektarya mula sa dating 70-80 sako kada ektarya.
Nakakaani naman ng 7.5t/ha si ka-Palay Frianina V. Resplandor, Rice Specialists’ Training Course (RSTC) graduate at farm school owner magmula ng kanyang sinunod ang mga natutunan sa training.
Sa kabilang banda, kinwento naman ni ka-Palay Mamerto N. Bernardo ng San Ildefonso, Bulacan na dahil sa mga natutuhan nila sa RCEF, nakatarget pa din sila ng 5.3t/ha ani kahit inabutan ng kalakasan ng hangin na umabot ng dalawang linggo.
Ka-Palay, ano ang iyong kwentong RCEF? (FB, DA-RCEF Extension Program)