Laking pasasalamat ni ka-Palay Alvin Villanueva, agriculture extension worker (AEW) ng Local Goverment Unit (LGU) Agoo, La Union sa pagsali niya sa Rice Competitiveness Enhancement Fund-Rice Extension Services Program (RCEF-RESP) Training of Trainers (TOT) dahil mas naappreciate niya ang ginagawa ng mga magsasaka.
Anya, excited at confident na siyang ibahagi sa mga magsasaka ang mga natutunan dito dahil first time niyang makilahok sa ganitong pagsasanay sa agrikultura.
Si Alvin ay isa sa mga nagtapos ng RCEF-TOT on Pest and Nutrient Management na ginanap noong Nobyembre 21-25, 2022 sa DA-Philippine Rice Research Institute (PhilRice) Batac Station.
Ang pagsasanay ay programa sa ilalim ng RCEF-RESP na bahagi ng Republic Act 11203 o Rice Tariffication Law (RTL) na naglalayong mapalakas ang mga Pilipinong magsasaka.
Ang RTL ay naglalaan ng P10 bilyong pondo bawat taon para sa mga pinapamahaging libreng dekalidad na inbred seeds, makinaryang pambukid, at pagsasanay sa pagpapalayan. Pinopondahan din nito ang mga pautang na pangsakahan. (DA-PhilRice Batac, FB)