Ito ang paniniwala ni Higenio Cuento, may-ari ng Masaganang Bukid Farm sa Nagcarlan, Laguna, sa kanyang pagtuturo ng mga makabagong teknolohiya sa mga kapwa niya magsasaka.

Mula 2022, 200 magsasaka na ang kanilang nasanay sa 8 batches ng RCEF Farmer Field School (FFS).

Ayon kay ka-Palay Higenio, maraming mga magsasaka ang interesado sa mga makabagong teknolohiya sa pagpapalayan, ngunit hindi lahat ay handang i-adopt ang mga ito.

Bilang magsasaka, layunin niyang ilapit ang mga teknolohiya sa kapwa niya magsasaka sa pamamagitan ng FFS. Nais din nyang ipakita ang kabutihan ng paggamit ng mga ito. (FS, PhilRice Los Baños)