Kasalukuyang Mayo 17, 2022 pagpapamahagi ng mga dekalidad na binhi sa Brgy. Nasisi, Ligao City, Albay sa pamamagitan ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Binhi e-padala at Philippine Rice Research Institute (PhilRice).
Bukod sa binhi ay nabigyan din ang mga magsasaka ng mga babasahin tungkol sa tamang pamamahala ng peste at sakit.
Ang RCEF Binhi e-Padala ay isang digital voucher system kung saan makatatanggap ang mga qualified na magsasaka ng voucher code sa kanilang registered cellphone number. Sa pamamagitan nito inaasahan na mas mapapabilis at mapapadali ang pamamahagi ng mga binhi. (DA-PhilRice Bicol, FB)