Madalang marating ng tulong ang isla ng Sibuyan, Romblon dahil sa layo nito mula sa pangunahing isla ng probinsya. Ganun pa man, sinuyod ng DA-Philippine Rice Research Institute (PhilRice) -trained team of Rice Specialists’ Training Course (RSTC) graduates ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Program ng Mary Help of Christian School (MHCS Calapan) ang naturang isla upang maghatid kaalaman sa mga bagong pamamaraan ng pagpapalayan.
Kwento ng mga ka-Palay ng Sibuyan, nagpapasalamat sila sa mga bagong kaalamang ibinahagi ng mga trainors. Kahit ang Vice Mayor at mga Councilors nila ay sumailalaim din sa pagsasanay patungkol sa pamamahala ng peste at nutrihenyo.
Naresolba na rin ang problema sa access sa high-quality seeds ng Romblon. Ngayong season, 3,076 bags ang nakalaan para sa tatlong munisipalidad ng lalawigan: 1150 bags sa Cajidiocan, 1254 bags sa Magdiwang, at 672 bags sa San Fernando.
“Nagtatalon po sa kagalakan ang mga magsasaka at pamahalaan ng Sibuyan Island sa mabuting balita na pinaabot ninyo. Maraming salamat po ang kanilang ipinaabot,” sambit ni Sr. Ailyn Cayanan ng MHCS Calapan. (FB, RCEF Extension Program)