‘Walk-your-Talk’ si Ka-Palay Froilan mula sa Ubay, Bohol

Bumaba ang gastos at tumaas ang ani ko sa pagsunod sa rekomendadong pamamaraan sa pagsasaka kaya nais kong maibahagi din ito sa kapwa ko magsasaka.

Isa si Sir Froilan Bersano sa 29 na AEWs at farm school trainers na nakapagtapos ng RCEF Training of Trainers on the Production of High-quality Inbred Rice and Seeds, and Farm Mechanization na ginanap sa Ubay, Bohol.

Bilang matagal nang nagtitrain sa mga magsasaka, si Sir Froilan ang nakakuha ng pinakamataas na puntos sa pre-test na ginanap sa pagsasanay.

Sa ngayon, naka-training na siya ng 725 na magsasaka mula 2021.
Dahil sa pagsunod niya sa kung ano ang kaniyang tinuturo, tumaas ng 44% ang kaniyang ani at bumaba ng 28% ang kaniyang gastos. Pagbabago sa pamamaraan ng pag-abono at pamamahala ng peste ang nakikita niyang dahilan sa pagbago ng kaniyang buhay pagsasaka.

Sa napatunayang epektibong pamamaraan ng pagsasaka na tinuturo sa training, hinahangad ni Sir Froilan na makasali sa mga bagong pagsasanay para maging updated pa lalo ang kaniyang kaalaman.

Alam kong marami pa akong matututunan mula sa resource speakers. Detalyado sila kung magturo.” Ika ni Sir Froilan. Dugtong niya, malaki ang paghanga niya sa mga resource speakers ng RCEF Training dahil nasasagot nila ang kaniyang mga tanong na nakakatulong sa kanilang palayan. Masaya siyang naipapasa ang kaniyang kaalaman sa kaniyang kapwa magsasaka.

Para sa mga katanungan tungkol sa pagpapalay, magtext o tumawag sa PhilRice Text Center 0917-111-7423 (FB, DA-PhilRice Negros, June 26, 2024)


  • ATI-CL Exposes LSA Cooperators to Agro-Enterprise Clustering approach

    ATI-CL Exposes LSA Cooperators to Agro-Enterprise Clustering approach

    ATI Central Luzon evaluates Bonagua Integrated Farm to be featured on Documentation of Exemplar Beneficiaries for RCEF. Earlier today, Technical Support Staff IV, Mr. John Patrick Gutierez, conducted an initial interview of Mr. Darwin Bonagua for the Documentation of Exemplar Beneficiaries for RCEF. The initial interview revolved around the operation of farm through RCEF activities…


  • Pag-asa para sa progresibong agricultura🌾

    Pag-asa para sa progresibong agricultura🌾

    Sa bawat binhing itatanim, naroon ang pag-asang mag-ani ng masagana. Ngayon, 15 na bagong bihasa sa Pest and Nutrient Management ang handang magbahagi ng kanilang natutunan upang masiguro ang mas mataas na ani at kita ng ating mga magsasaka. Kasama sa mga nagsipagtapos ng RCEF Training of Trainers ay mga extension workers at farm school…


  • WAG MAGPASCAM! 

    WAG MAGPASCAM! 

    Tingnan ang pagkakaiba ng legit at fake FB accounts na hawak ng DA-PhilRice.I-report agad ang mga mapagpanggap na FB pages ng DA-PhilRice, RCEF Seed Program, at RCEF Extension Program.