

Dagdag pa nila, natutunan din nila ang bawat hakbang sa pagsagawa ng MOET na siguradong magagamit nila sa pagsasagawa ng kanilang thesis.
Ayon kay Alvin I. Gurrea, local farmer technician ng Talibon, Bohol, isinama nila sa aktibidad ang mga estudyante upang aktwal nilang makita ang proseso ng pagsasagawa ng MOET mula pagkolekta ng lupa hanggang sa data gathering.
Samantala, nakatanggap din ang mga mag-aaral ng sertipiko at mga Information, Education and Communication (IEC) materials tulad ng Sistemang PalayCheck at brochures patungkol sa mga peste at sakit na magagamit nila sa hinaharap. (Care Jason E. Parina, FB, DA-PhilRice Negros)
