

Nang dahil sa RCEF Extension Program, nakita niya ang kahalagahan ng mga trainors para sa mga magsasaka.
“Tatanggalin po namin yung ‘lang’ sa kanila. Tutulungan namin silang maging proud dahil sila ang sentro ng ekonomiya,” sambit nito.
Dagdag ni Lyka, maibubuod ng salitang SIKAP (S for Skills, I for Improve, K for Knowledge, A for Attitude, and P for Patience, Perseverance, and Dedication) ang kanilang karanasan sa tatlong linggong pagsasanay.
Dalawampu’t pitong trainors mula sa Nueva Ecija at Tarlac ang nagsipagtapos sa training kung saan sila ay nakapagtala ng 73.56% average gain-in-knowledge.