😍🫶🥰
Ikawalong araw na ng RCEF TRAINING OF TRAINERS (TOT) ON THE PRODUCTION OF HIGH-QUALITY INBRED RICE SEEDS AND FARM MECHANIZATION at marami nang natutunan ang mga kalahok na farm school owners at agricultural extension workers mula Palawan.
Isa na rito si Iannie Jane Tulukan ng Roxas, Palawan. Kuwento niya, naenjoy niya ang topic ng farm mechanization, lalo na ang paggamit ng makinarya sa paghahanda ng lupa.
“Mas mabilis ang trabaho sa palayan kung tamang makinary ang gamit, at kaunting tao lamang ang kailangan,” pagbabahagi niya.
Ang diskusyon sa ferilizer computation naman ang nagustuhan ni Nasri Borong ng Bataraza, Palawan. Kahit natalakay na nila ito nung college, ika niya’y mas nalinawan siya ngayon sa pagdalo niya ng training.
“Kailangan ay maingat tayo sa pagcompute sa dami ng fertilizer na gagamitin para maibigay natin ang tama at rekomendadong dami na kinakailangan ng ating palay,” dagdag niya.
Ngayong linggo ay tinalakay ang Key Checks 1 to 9 sa nasabing training, maging ang mga special topics tulad ng fertilizer computation, IPM concepts and principles, grain drying principles and systems, at iba pa. (FB, DA-PhilRice Los Baños)