Kasalukuyang nagbabalik-aral ang huling batch ng 28 rice specialists para ang kanilang kaalaman, updated!
 
Sila’y kalahok sa RCEF Refresher Course for Rice Specialists ngayong July 11-19 sa Science City of Muñoz, Nueva Ecija.
 
Layunin din ng pagsasanay na mapaghusay pa ang kanilang kakayanan sa pagkilala sa mga problema sa pagpapalayan at kung paano ito mapamahalaan. Itataas din ang kanilang kumpiyansa sa pagbibigay ng rekomendasyon sa mga magsasaka.
 
Hinikayat naman ni Lea dR Abaoag, training lead ng RCEF-Rice Extension Services Program ng PhilRice, ang mga kalahok na gamitin ang oportunidad upang makapag-ambag pa sa pag-unlad ng sektor. (FB, RCEF Expension Program)