RCEF Seed Ceremonial and Mass Distribution

𝐁𝐈𝐍𝐇𝐈 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐋𝐀𝐘 𝐌𝐔𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐑𝐂𝐄𝐅 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌 𝐍𝐀𝐈𝐏𝐀𝐌𝐀𝐇𝐀𝐆𝐈 𝐍𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐌𝐀𝐆𝐒𝐀𝐒𝐀𝐊𝐀

Naisagawa ng matagumpay ang Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Rice Seed Ceremonial and Mass Distribution na pinangunahan ng butihing alkalde ng lokal na pamahalaan ng Mamasapano Datu Akmad A. Ampatuan Jr., katuwang ang MAFAR Municipal Office na ginanap kahapon, May 09, 2023 sa Municipal Gymnasium. Sa kanyang salaysay, binigyan diin ng alkalde ang kahalagahan ng pakipagtulungan ng MAFAR at ng LGU upang matulungan ng maayos ang ating magsasaka. Hiling ng alkalde sa MAFAR BARMM na dapat timing sa land preparation ang pamamahagi ng binhi upang makapagtanim sa tamang oras ang mga magsasaka.

Dumalo sa nasabing seremonya ang Chief Of Agriculture Operation, Saudi D. Mangindra na syang nagbigay technical briefing kung paano nagkaroon ng programang Rice Competitiveness Enhancement Fund o RCEF. Dumalo rin ang Municipal Secretary Roger R. Gornez, Municipal Agriculture and Fisheries Council (MAFC), Mr. Mama G. Kamlon at ang kawani ng MAFAR Municipal Office na pinungunahan ni OIC MMO Mr. Bihamdi A. Abdulgani.

Ang mga binhi ay natanggap na ng mga magsasakang benepisyaryong nakaparehistro sa RSBSA mula sa nasasakupan ng Alshariff Irrigators Association at ng Al-Gafoor Irrigators Association.

Samantala, nagpapasalamat ang MAFAR Maguindanao sa suporta ng Mamasapano Municipality LGU sa programang RCEF na pinapatupad ng gobyerno sa pamamagitan ng DA-PhilRice Midsayap para sa area ng Maguindanao. (FB, MAFAR Municipal Office, Mamasapano)