Nangako si ka-Palay Lizandro A. Inciso ng TESDA/TVET Region 8, Eastern Samar na lahat ng kaniyang natutunan sa naganap na RCEF Refresher Course for Rice Specialists nitong April 11-19, 2023 ay makakarating sa mga magsasakang kanyang tuturuan upang tumaas ang kanilang ani.

Pahayag naman ni ka-Palay Milo M. Cervantes ng ATI-RTC 1, Sta. Barbara, Pangasinan, pagbalik nila sa kani-kanilang mga lugar ay ang oras na kinakailangan nang magsilbi sa mga magsasaka. Aniya, hindi dapat ipagdamot ang mga kaalamang natutunan sa naganap na pagsasanay.

Dagdag pa nito, may mga bagay sa pagpapalayan na dati niyang pinaniniwalaan ngunit naiwasto sa pagbabalik aral. Makatutulong ito upang mas mapaigi ang kaalamang ihahatid sa mga magsasaka.

Nagsipagtapos ng Rice Specialists Training Course ang dalawampung trainors na kalahok sa pagsasanay noong kasagsagan ng pandemya.
Nagmula ang mga rice specialists sa iba’t ibang rehiyon sa bansa na sumabak sa pagbalik-aral upang ma-update ang kanilang kaalaman at higit na paghusayin pa ang kanilang kakayanan sa pagkilala sa mga problema sa palayan at kung paano ito mapamahalaan. Pinaigting din ang kanilang kumpiyansa sa pagbibigay ng rekomendasyon sa mga magsasaka. (FB, RCEF Extension Program