Matagumpay na naipamahagi ng Municipal Agriculture Office ng Sugpon, Ilocos Sur ang dekalidad na binhi mula sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) sa pamamagitan ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice).

Nakatanggap ng mga magsasaka ng Sugpon ng 700 na sako ng NSIC Rc 480 at Rc 160.

Kasabay ng pamamahagi ng binhi ay ang pamimigay ng mga babasahin at paglahok sa ilalim ng RCEF-Rice Extension Service Program (RCEF-RESP) ng mga magsasaka sa technical briefing. (DA-PhilRice Batac, FB)