🎵‘Di mo alam, binhi kami’y natutuwa sa’yo!
nakakatuwa ka, nakakaaliw,
nakakagutom ang isang tulad mo! 🎶

Nagsimula ng mamahagi ng certified inbred seeds ang DA-PhilRice Agusan sa pamamagitan ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Seed Program!

Para sa mga ka-Palay mula Davao Region, angat ang NSIC Rc 160 o Tubigan 14 dahil maganda ang ani nito tuwing tag-ulan.

Kasama din sa mga ipinapamahaging binhi para sa wet season ang Rc 436, Rc 480, at Rc 506. Ang paggamit ng de-kalidad na binhi ay magreresulta sa 10% na pagtaas ng ani o higit pa.

Pumili ng mga barayti ng palay na angkop sa inyong lugar. Abangan sa PalaySikatan demo farm sa inyong lugar ang performance ng ating mga recommended varieties! (FB, DA-PhilRice)