First-time no more! ๐ŸŒพ๐Ÿ‘
ย 
Mula Basay, Negros Oriental, ๐Ÿš˜ bumiyahe pa ng ilang oras ๐Ÿ•— si ka-Palay Jennifer Pagamongan, 53, papuntang Sipalay City, Negros Occidental upang matunghayan ang Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) PalaySikatan ceremonial crop establishment gamit ang seed spreader, isang motorized knapsack sprayer na namodify upang magsabog ng binhi.
ย 
Kasama si Jennifer sa mga farmer-cooperator para sa technology demonstration ng RCEF Seed Program sa Negros Oriental.
ย 
Sabi niya, hanggang tingin lang daw dati sa social media ๐Ÿ“ฑang seed spreader. “Ako mismo ang pumunta sa Sipalay para makita ng personal at masubukan ang seed spreader for the first time. Totoo na magaan at madaling gamitin. Napabilis din ang pagtatanim ng palay ๐ŸŒพ. Hindi ako makapaghintay na gamitin din ito sa aming lugar.”
ย 
ย 
Sinang-ayunan naman ito ni ka-Palay Roger Dereche, 43, ng Sipalay City na first-time rin na gumamit ng makinarya na ito.
ย 
Umaasa ang dalawa para sa kapwa nilang magsasaka na huwag isara ang kanilang pinto para sa mga oportunidad gaya ng PalaySikatan at makilala ang iba’t ibang makabagong pamamaraan sa pagtatanim. (FB, DA-PhilRice Negros)