Higit 50k na ka-Palay sa MIMAROPA, mapapamahagian ng libreng dekalidad na binhi 🌾

Ngayong wet season, kasama sa mga mabibigyan ng certified seeds ang probinsya ng Marinduque, Romblon, Palawan, Oriental Mindoro, at Occidental Mindoro mula sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) at National Rice Program.

Tinatayang higit 200,000 sako ng dekalidad na binhi ang ipamamahagi sa higit 50,000 na ka-Palay sa rehiyon.

Napagkasunduan natin kamakailan kasama ang mga provincial at municipal LGUs ang pagbabahagian ng mga tungkulin para sa mas maayos na implementasyon ng programa.

Excited na ba kayo, ka-Palay? Makipag-ugnayan lamang sa inyong city/municipal agriculture office para sa seed distribution schedule sa inyong lugar. (FB, DA-PhilRice Los Baños)