MAGING MAHUSAY na tagapagsanay, pangako ng isang Training of Trainers (TOT) graduate👩🏽‍🎓🌾👩🏽‍🏫
 
Nangako si ka-Palay Joan D. Mohillo, facilitator ng Oceanic Pearl Organic Farm School, Inc. na siya ay magiging isang mahusay na tagapagsanay upang epektibo niyang maibahagi ang kanyang kaalaman sa mga magsasaka.
 
Nakamit ni Joan ang ‘Best in Microteaching Award’ sa pagtatapos ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Training of Trainers on Production of High-Quality Inbred Rice and Seeds, and Farm Mechanization nitong Mayo 19 sa DA-PhilRice Negros.
 
Isa si Mohillo sa 30 kalahok sa dalawang linggong pagsasanay na babalik sa kani-kanilang lugar bilang sertipikadong mga trainers. (FB, DA-PhilRice Negros)