Isinagawa ang delivery (June 2, 2022) at distribution (June 3, 2022) ng libreng dekalidad na binhi ng palay sa mga magsasaka ng Brgy. Tabason at Brgy. Casispalan. Katuwang ng OMA ang Office of the Municipal Engineer sa paghahatid ng binhi ng palay sa bawat barangay ng Tagkawayan sa pamamagitan ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) – Seed Component – Philippine Rice Research Institute (PhilRice).

Nagbahagi ng pasasalamat at maikling pananalita ang bawat Kapitan ng Brgy.,
Municipal Agriculturist Officer (MAO) Juanito Panganiban, Project Development Officer II (PhilRice Los Banos) Jacqueline Canilao at Mayor Carlo Eleazar sa araw ng distribution ng binhi.

Ang naturang mga aktibidad na isinagawa sa loob ng dalawang araw ay idinukomento ng mga kawani ng PhilRice sa pamamagitan ng interview at video shoot. (Tanggapan Ng Pambayang Agrikultor, FB)