Pakinggan ngayong Lakbay Palay dry season 2023 ang mga kwento ng ating mga ka-Palay patungkol sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Program sa apat na taon nitong pagbibigay suporta sa agrikultura.
Sa tulong ng RCEF:
🌱 11 milyong sako (20kg) ng certified inbred rice seeds ang naipamahagi
🚜 20,000 makinarya ang naipamahagi kabilang na ang hand tractor, precision seeders, reapers, mobile grain dryers, at mobile rice mills
📚 5 milyon rice-related information ang naibahagi sa 200,000 magsasaka at extension workers
💵 P3 bilyon ang naipahiram sa mga magsasaka at kooperatiba
Tutok sa ating facebook page alas nuwebe ng umaga ngayong Miyerkules at Huwebes! (FB, DA-PhilRice)