Handa na ang 112 local government units (LGU) ng 4 na probinsya sa Ilocos Region para sa implementasyon ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Seed and Extension Programs para sa 2023 WS at 2024 DS.

Sa ginanap na social mobilization, napag-usapan ang alokasyon ng certified seeds ng kada LGU kasama na rin ang PalaySikatan technology demonstration, Binhi e-Padala, IEC materials, technical briefing at training.

Kinilala rin ang malaking suporta at kontribusyon ng mga LGUs upang maihatid ang kanilang buong serbisyo para sa mga magsasaka.

Ka-Palay, makakaasa ka! (FB, DA-PhilRice Batac)