Naghatid tayo ng kaalaman sa ating mga ka-Palay tungkol sa tamang pamamahala ng pataba sa idinaos na Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Seed Distribution Kick-Off Ceremony & Technical Briefing kahapon sa Bayombong Nueva Vizcaya katuwang ang Philippine Rice Research Institute (PhilRice).

Nasa 150 ka-Palay ang natuto at nakatanggap ng babasahin patungkol sa RCEF, Gabay sa Pagpapalay, atbp.

Iginawad din ang 29,668 sako ng RCEF seeds sa Provincial Local Government Unit ng Nueva Vizcaya para sa wet season 2023. Hudyat ito ng simula ng seed distribution sa ating mga ka-Palay. Tinanggap ito ng Provincial Agriculturist na si Mr. Absalom Rizal D. Baysa bilang representante ni Governor Carlos M. Padilla. (FB, RCEF Extension Program)