Inaasahan ni ka-Palay Hans Allan Raymundo ng Bulacan na matutunan sa kasalukuyang ginaganap na Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Training of Trainers on Pest and Nutrient Management kung paano pamahaalan ang mga peste sa palayan at mas mapalawak ang kanyang kaalaman patungkol sa mga kaibigang organismo.

Dagdag pa niya, interesado rin siya na matuto ng tamang pamamaraan sa paglalagay ng pataba partikular na sa konsepto ng Right E-A-T o Element-Amount-Time.

Tatlumpu’t dalawang kalahok mula Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Pampanga, Bataan, at Bulacan ang magsasanay mula April 24-28, 2023. (FB, Rice Extension Program)