Para kay ka-Palay Ronna Frianeza, Agriculturist II ng Dasol Field Station, Provincial Agriculture Office sa Pangasinan, isa sa pagsubok ng pagiging isang AgRiDOCs ay ang pagsasagawa ng mga kaalamang ibinabahagi nila sa mga kapwa magsasaka.
 
Hindi lang tayo dapat nagsasalita dahil sa ito ang naririnig natin sa ating mga mentors o resource speakers. Dapat ay ginagawa din natin [ang mga makabagong kasanayan sa pagpapalayan] kasi kapag ginagawa mo ang mga sinasabi mo, mas magiging effective at competent ka,” paliwanag ni Frianeza.
Dagdag ni Jun Rey Samillano, Agriculturist II ng ATI- RTC XII ng South Cotabato, maraming kasanayan na kasalukuyang ginagawa sa kanilang lugar ang naitama sa tulong ng training na ito tulad na lamang ng tamang paraan ng pagsasagawa ng agro-ecosystem analysis o AESA.
 
Ang AgRiDOCs o Agriculture Rice Development Officers of the Community ay sinanay ng DA-PhilRice sa ilalim ng Project IPaD upang mag-udyok ng pag-unlad sa mga rice farming areas.
 
Walong araw na nagsanay ang 18 kalahok ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Refresher Course for AgRiDOCs kung saan in-update ang kanilang mga kaalaman sa Sistemang PalayCheck, pinahusay ang kanilang kakayanan sa pagkilala sa mga problema sa palayan at kung paano ito mapamahalaan, at pagkilala sa mga pagsubok at paraan sa implementasyon ng mga aktibidad ng isang extension worker.